...

Official Publication of the Philippine Information Agency Bicol Regional Office, in cooperation with the RIAC-REDIRAS - RDC Bicol



Friday, September 23, 2016

Libreng sakay para sa mga mag-aaral ng Barcelona , ikinagalak ng mga mag-aaral at magulang

LUNGSOD NG SORSOGON, Set.  23 (PIA) - Pinasalatan ng mga mag-aaral sa sekondaryal at kolehiyo ang pagbibigay ng libreng sakay sa kanila sa bayan ng Barcelona, Sorsogon hatid ng lokal na pamahalaan.

Ani ng mga magulang, malaki ang pakinabang ng mga mag-aaral ang inisyatibong inumpishan ni Alkalde Manuel Fortes Jr. at ang matitipid ng kanilang mga anak ay maari pang maidagdag sa iba pang mga proyekto ng mga ito.

Pinasalamatan naman ng mga mag-aaral maging ng mga magulang ang estratehiyang ginawa ng lokal na pamahalaan kung saan P50 rin ang natitipid ng mga bata sa maghapon pagpasok sa Gubat State College at karatig na paaralan.

Ayon sa alkalde naglaan siya ng 2 pampasaherong dyip  para magsakay at maghatid ng mga estudyante patungo sa kanilang pinapasukang paaralan kasama na rito pati na rin ang paghatid sa kanila hanggang sa uwian.

Panawagan naman ng mga magulang sa opisyal na sana’y regular nang gawin ito ng sa gayon ay maging kagaanan na sa kanila ang matitipid ng mga anak sa tuwing papasok sa paaralan.

Dagdag pa ng opisyal na pinag-iisipan na rin niyang palawakin pa ito sa susunod na mga buwan sa iba pang barangay upang mapagsilbihan din ang mga kababayang hikahos subalit disididong makapagtapos ng pag-aaral. (MAL/FBT-PIA5/Sorsogon)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581474601133/libreng-sakay-para-sa-mga-mag-aaral-ng-barcelona-ikinagalak-ng-mga-mag-aaral-at-magulang#sthash.0ZB9v0dz.dpuf

No comments:

Post a Comment