Fun Walk para sa mapayapang Halalan 2013 gaganapin sa Sorsogon
ni Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 26 (PIA) – Bilang suporta sa
adhikaing magkaroon ng maayos at mapayapang halalan sa darating na Mayo 2013,
isang aktibidad na tinaguriang “Walk for Life, Walk fro Love Year II – A Walk
for an Honest, Orderly and Peaceful Elections” ang gaganapin sa lungsod ng
Sorsogon sa Sabado, Marso 2, 2013.
Pangungunahan ang Fun Walk ng PBN Broadcasting Network, Inc.
at ng PBN Foundation, Inc. sa pakikiisa at pakikipagtulungan nito sa Comelec Sorsogon,
DepEd City Schools Division at Sorsogon Police Provincial Office.
Ayon kay Andy Espinar, Station Manager (SM) ng PBN-DZMS
radio station Sorsogon, magtitipon-tipon ang mga lalahok sa Provincial Capitol
Park alas singko ng umaga sa Sabado, at sabay-sabay na maglalakad patungong
Sorsogon City Hall Grounds sa Brgy. Cabin-an, Sorsogon City.
Dagdag pa ni SM Espinar na maliban sa kanilang adhikaing
pukawin ang kamalayan ng publiko na makiisa at suportahan ang pagkakaroon ng
malinis, maayos at mapayapang halalan sa Mayo 2013, isa din itong hakbang upang
matulungan ang mga kababayang nasalanta ng kalamidad sa Mindanao.
Lahat umano ng malilikom na halaga mula sa mga lalahok at
mga sponsor nito ay gagamitin para sa rehabilistasyon ng mga nabiktima ng
bagyong “Pablo” sa Compostela Valley.
Matatandaang ito ang pangalawang pagkakataong magsasagawa
ang PBN ng Fun Walk kung saan noong nkaaraang taon ay nakapagbigay sila ng
dalawang housing unit sa naapektuhang pamilya ng bagyong “Sendong”, maliban pa
sa naipamahagi nilang relief goods at ngawang feeding activity sa Cagayan De
Oro City.(MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)
Local network
initiates Run for Honest, Orderly and Peaceful elections
by Ana-Liza S. Macatangay
NAGA CITY, Feb. 26 (PIA) -- The People’s Broadcasting Network
(PBN) Foundation, Inc. has spearheaded a fun walk dubbed “Walk for Life, Walk
for Love" last Sunday, Feb. 24, here pursuing an honest, orderly and
peaceful midterm elections this year.
PBN DZOK station manager Elmer Abad, also the current
chairman of the Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas (KBP) Camarines Sur
shapter, said that the move is the network’s advocacy in support for an honest,
orderly and peaceful elections in the upcoming local and national polls in May
this year.
The activity was in close collaboration with the Commission
on Elections (COMELEC), Department of Education (DepEd), the Archdiocese of
Caceres, Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA) and other
stakeholders.
“The involvement various governments, private sectors and
organizations and the support of the media are of big help to strengthen the
creation of awareness on a wider scope. We are particularly targeting the
voters, the main players in shaping our future by guiding them to place the
name of the right candidates in their ballots,” Abad added.
The fun walk was earlier held in Legazpi City on February 16
with more or less 8,000 runners who took part in the said activity. On February
23, it was DZMD’s turn, PBN sister station in Camarines Norte to spearhead the
run and was able to gather more or less 2,000 fun walkers. On the following day, PBN DZOK, PBN station
here in Naga City led an approximate 5,000 partakers who walked from the
Basilica Minore and traversed the Magsaysay and Panganiban area before
converging at the Plaza Quezon.
COMELEC Camarines Sur Spokesman and Calabanga Election
Officer Alex Marpuri who joined the activity acknowledged the network’s effort
in ensuring that the upcoming elections is widely supported and backed up by private sectors.
The HOPE activity will have its last leg on March 2 and will
be spearheaded by DZMS, PBN’s station in Sorsogon.
Aside from the promotion of an orderly election, PBN
Broadcasting Network, Inc. also endeavors to help the typhoon victims who were
severely hit by Typhoon Pablo in Campostela Valley.
“ Proceeds of the activity will be used for the
rehabilitation efforts for the victims of Typhoon Pablo and as the network’s
gesture of support for our less fortunate brothers and sisters who were left
homeless and lost their loved ones during the tragic catastrophe due to the
devastation of Typhoon Pablo,” Abad said in an interview.
(MAL/LSM-PIA5/Camarines Sur)
Candidates' Forum papangunahan ng PPCRV sa Naga City
ni Danilo C. Abad
LUNGSOD NG NAGA, Pebrero 12 (PIA)--- Papangunahan ng Parish
Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang pagdaraos ng isang
political forum sa lalawigan ng Camarines Sur para sa mga lokal na kandidato na
tatakbo sa darating na halalan.
Kaugnay nito ay hiningi naman ng PPCRV ang suporta ng
ibat-ibang civic organizations dito sa
Lungsod ng Naga at pati na rin ng iba’t ibang sector dito sa lalawigan ng
Camarines Sur upang matiyak na magiging
matagumpay ang naturang pagtitipon.
Ayon kay Fr. Louie Occiano, Chairman ng Caceres Commission
on Communication (CCCOm), sa kasalukuyan
ay ginagawa pa ang ilang paghahanda ng PPCRV. Ito ay papamunuan ni Msgr.
Nelsoin Tria, parish priest ng San Francisco Parish dito sa Lungsod. Imbitado
sa forum ang mga ka-kandidato sa kargong Gobernador, Bise-Gobernador, mga
Kinatawan o Congressmen, Alkalde at iba pang posisyon dito sa lalawigan.
Sinabi ni Occiano na magiging aktibo muli ang mga parokya ng
Archdiocese of Caceres sa paghanap ng mga volunteer na magiging katuwang ng PPCRV sa nasabing aktibidad lalo na sa pagbabantay ng halalan sa buong
rehiyon upang matiyak na magiging tahimik, mapayapa at matapat na eleksyon.
Nakatakdang simulan ang political forum pagkatapos ng Mahal
na Araw ngayong Abril.
Ang Political Forum sa Lalawigan ng Camarines Sur at Lungsod
ng Naga ay ginagawa tuwing magkakaroon ng halalan sa bansa. Taon-taon itong pinapangunahan ng PPCRV
katuwang ang iba pang organisasyon.
Matatandaan na malaki rin ang naging papel ng PPCRV noong
May 2010 kung saan ginanap ang synchronized National and Local Elections. Sa kauna-unahang pagkakataon ay
nagkaroon ng Automated Election System na naisakatuparan sa bansa. Halos
daan-daang libo na PPCRV volunteers ang lumahok
sa voters’ education, poll
watching, voters’ assistance at iba pang gawain sa pagdaraos ng botohan.
Layunin ng PPCRV na mabawasan ang katiwalian tuwing eleksyon
at maturuan ang mga botante para sa 2013 eleksyon. (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines
Sur)
No comments:
Post a Comment