By Danilo Abad
LUNGSOD NG NAGA, Set. 7 (PIA) -- Abala na ngayon ang Naga City Police Office (NCPO) kaugnay ng mga aktibidad para sa Peñafrancia Fiesta 2016 simula sa Setyembre 9 hanggang 18 para masiguro ang kaayusan ng lugar at kaligtasan ng mga deboto at bisita.
Ayon kay NCPO director Police SSupt. Julius S. Muñez, itatalaga ang mga kapulisan sa matataong lugar, gaya ng Metropolitan Catheral na kung saan pagkatapos ng Traslacion ay doon magtipon-tipon ang mga lumahok sa prusisyon at mga dadalo sa banal na misa.
Sinabi ni Muñez na ipagbabawal na rin sa naturang lugar ang pagpasok ng may dalang backpack at iba pang ipinagbabawal ng kapulisan na dalhin gaya ng matatalim na bagay. Magkakaroon ng pag check bago pumasok sa compound ng simbahan ang mga security forces.
Itinanggi naman ni Muñez ang napabalitang may dumating na terorista sa lungsod. Ayon sa kanya walang katotohanan ito ngunit tinutugonan naman ng NCPO ang ganitong mga bagay para na rin handa ang mga awtoridad sa anumang mangyari.
Nagpalabas na rin ang NCPO ng mga advisories, namimigay ng mga fyers tungkol sa mga gagawin kung sakaling may nakitang kahina-hinalang bag o gamit sa lugar na kinaroroonan.
Ipinaliwanag niya na huwag hawakan o galawin, huwag mag panic, maging kalmado at ireport agad sa kapulisan o malapit na himpilan ng awtoridad.
Ipinaalala din ng NCPO na huwag gumawa ng maling mensahe at iwasang magpadala ng maling impormasyon sa social media.
Samantala, isinagawa na rin ng NCPO ang mga pagsasanay sa mga tauhan ng security agency sa lungsod tungkol sa Bomb Threat and Security Awareness. (DCA-PIA5/Camari nes)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851473219333/ncpo-gumawa-ng-contingency-plan-para-sa-pe-afrancia-fiesta-2016#sthash.Ex37kA6m.dpuf

No comments:
Post a Comment