LUNGSOD NG SORSOGON, Set. 7 (PIA) - Agarang pinulong ni Sorsogon Gov. Robert Lee Rodrigueza ang mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council ng Sorsogon kabilang ang mga opisyal ng kapulisan, militar, iba pang law enforcement agencies, at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapaghandaan ang anumang banta ng karahasan o terorismo.
Ang pagtalakay sa mga hakbangin ay isinagawa matapos magdulot ng pagkabahala at alarma sa publiko ang naganap na pagsabog at kumitil ng maraming buhay, nag-iwan ng maraming sugatan at pighati sa mga naulila sa Davao City ay agad na idineklara ni pangulong Duterte ang State of Lawless Violence sa buong bansa.
Nilinaw naman ni Sorsogon Police Provincial Office officer in charge SSupt. Ronaldo Cabral na nakatutok ngayon ang kanyang tropa sa mga aktibidad kaugnay sa lawless declaration, paglalatag ng mga check/ chokepoints sa ibat-ibang bayan at mga estratehikong lugar , deployment ng police visibility, koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies at pagsagawa ng inspeksyon sa mga pantalan gamit ang k-nine units .
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ay malaki ang posibilidad na maiwasan ang paglikha ng gulo ng alinmang grupo lalo pa’t pina-igting nila ang intelligence gathering at paglatag ng mga espiya sa lansangan.
Samantala, sa kabuuan ay nakapagsagawa na sila ng 98 regular checkpoints sa 10 bayan ng Sorsogon at 26 na joint check points katuwang ang 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army, na pinamumunuan ni Col. Fernando Trinidad.
Panawagan naman ng opisyal sa publiko na tulungan nalamang sila at makisama sa ginagawang mga hakbang at hinhingi rin nito ang pang-unawa ng lahat sa idudulot na abala ng kanilang operasyon.
Layunin lamang aniya ng pagdeklara nito na sugpuin ang lahat ng uri ng kaguluhan sa pampublikong mga lugar katuwang ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa lalawigan.
Sinabi ni Cabral na walang dapat ikabahala ang publiko sa State of Lawless Violence dahil malayong mapunta ito sa martial law sapagkat walang nilalabag na karapatang pantao ang nasabing derektiba. (MAL/FBT-PIA5/Sorsogon)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581473225552/ppoc-sorsogon-nakahanda-laban-sa-banta-ng-karahasan-terorismo-#sthash.g7SIZW9p.dpuf

No comments:
Post a Comment