...

Official Publication of the Philippine Information Agency Bicol Regional Office, in cooperation with the RIAC-REDIRAS - RDC Bicol



Friday, September 23, 2016

Mahigit P63 milyon pondo para sa mga programa at pagpaplano sa kalamidad, inilaaan ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte

Ni Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Set. 23 (PIA) -- Naglaan ng P63.5 milyon pondo ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte para sa taong 2017 na gagamitin sa disaster preparedness, mitigation, recovery and response plan and program.

Ito ay matapos maaprubahan kamakailan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng lalawigan ang naturang panukalang budget.

Ayon kay PDRRM Officer Antonio E. España ng pamahalaang panlalawigan, ang Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Fund ay nagmula sa limang porsiyento ng total estimated income ng provincial government sa taong 2017.

Aniya, ito ay nakasaad sa Republic Act 10121 kung saan 30 porsiyento o higit pa sa P18.9 milyon ay nakalaaan sa Quick Response Fund habang ang 70 porsiyento o higit pa sa P44.5 milyon ay para naman sa preparedness.

Dagdag pa ni España, 70 porsiyento ng budget ay binubuo ng mitigation, preparedness, disaster response, recovery at rehabilitation.

Sinabi pa niya na ang mitigation ay structural na kapapalooban ng kabuuan at ang konstruksiyon ng evacuation centers, pagpapatayo ng potable water system at konstruksyon ng slope protection.

Ganundin ang konstruksyon ng mga road opening habang ang non-structural ay kasama sa coastal resources management project at sustainable upland management strategy sa pamamagitan ng integrated social forestry, forest protection ng Abasig-Matogdon-Mananap Natural Biotic Area, at provincial mangrove aqua silviculture at reforestation project.

Ayon pa kay España, habang sa preparedness ito ay tinatawag na mainstreaming Disaster Risk Reduction and Management/Climate Change Adaptation (DRRM/CCA) at iba pang development plan at decision making process, map digitization ng critical elements para sa hazards at vulnerability assessment kasama ang geo-tagging, stockpiling at pre-positioning ng resources, information dissemination at public awareness, training orientation sa knowledge management ng DRRM/CCA.

Ang disaster response ay ang maintenance at operation ng PDRRM operation center at training institute habang ang recovery and rehabilitation ay ang pagkakaroon ng Post-Disaster Needs Assessment (PDNA), emergency repair of critical public infrastructure and provision of humanitarian assistance ayon pa rin kay España. (MAL/RBM/ROV/PIA-Camarines Norte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881474594414/mahigit-p63-milyon-pondo-para-sa-mga-programa-at-pagpaplano-sa-kalamidad-inilaaan-ng-pamahalaang-panlalawigan-ng-camarines-norte#sthash.1oTX9dnZ.dpuf

No comments:

Post a Comment