...

Official Publication of the Philippine Information Agency Bicol Regional Office, in cooperation with the RIAC-REDIRAS - RDC Bicol



Wednesday, May 11, 2016

Tensyon dala ng nagdaang National at Local election humupa na at balik na sa normal

LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 11 (PIA) - Sa wakas ay humupa na rin at balik na sa normal ang tension sa hanay ng  mga kandidato maging ng mga botante sa nagdaang  election fever sa lalawigan ng Sorsogon  pagkatapos ng 90 araw na campaign period hanggang  sa pagboto at deklararasyon ng mga nanalong kandidato sa lokal na posisyon.

Bagamat ang iba namang kandidato at mga suportadores na hindi pa rin matanggap ang pagkatalo ay dinadaan na lamang sa usapang kanto ang pagkabigo ng kanilang mga manok sa larangan ng pulitika.

Kung susuriin ang naganap na halalan ngayong 2016 ay maituturing na isa sa mga halalang naramdaman ang kapayapaan at kaayusan  na walang naramdamang pagkatakot at pag-aalala ang mga botanteng Sorsoganon sa kabila ng pagkakaroon ng pagkawatak watak  ng pamilya sa kung sino ang ibubutong kandidato.

Marahil ito ay dahil na rin sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon kinabibilangan ng Commission on Election, Department of Education, Phil. Army, PNP , PPCRV, NAMFREL at LENTE na nagpuyat , nagpagod sa pagbabantay  makamtan lamang ang maayos at mapayapang eleksyon.

Samantala, kaunay naman sa viral ngayon ng nawawalang ng  Brgy. Ticol Elementary  school na si Cristian De Los Angeles na nakipag-ugnayan na rin si elect governor Bobet Rodrigueza sa kaanak ng naglahong parang bula na biktima at mga awtoridad.

Maging ang pamilya ni Cristian ay dumulog na sa tanggapan ng Criminal Investigation and detection Group(CIDG) Sorsogon upang humingi ng tulong para mahanap ito.

Sakaling may nakakakilala at nakakita aniya kay Angeles ay mabuting ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na police station at tumawag sa PNP Hotline number na 0948-2548-691 at tanggapan ng Phil. Information Agency  Sorsogon sa numerong 0917-855-3402. (MAL/FBT-PIA 5/SORSOGON)  

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581463022203/tensyon-dala-ng-nagdaang-national-at-local-election-humupa-na-at-balik-na-sa-normal#sthash.tk22WTqX.dpuf

No comments:

Post a Comment