By Danilo Abad
LUNGSOD NG NAGA, Pebrero 18 (PIA) -- Pinangunahan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o DTI sa lalawigan ng Camariner Sur ang pagpupulong sa mga may-ari ng repair shops at iba pang establisyementong nagbibigay ng serbisyo sa mamamayan na naglalayon na matukoy ang mga interes at alintana na hinaharap ngayon ng kanilang industriya.
Ayon kay DTI Camarines Sur Trade and Industry chief Tess Arbo, mahalaga ang naturang pagtitipon dahil isinalaysay ng ahensiya ang mga programang ipinatutupad tungkol sa accreditation ng mga service at repair shops.
Tinalakay din ang tungkol sa training and skills enhancement, TESDA assessment, certification costs at iba pang pangangailangan ng mga technicians ng auto repair, calibration, electronics, electrical, refrigeration, air-conditioning at machine shops.
Inihayag naman ni TESDA Officer Gideon Ranido, na ang kahalagahan ng TESDA Certification ay para matiyak ang kompetisyon ng mga local manpower sa bansa.
Ayon pa kay Ranido na may pagbabago sa regulasyon ng pagsasanay ng mga manggagawa. Gaya ng renewal ng TESDA National Certification nagbago ang skills required para NC-1 o kaya NC-2 ng industry skills category.
Ang isinagawang aktibidad ay ikinalulugod naman ng opisyales at miyembro ng Camarines Sur Association of Service and Repair Shop Owners (CARSSO) dahil sa naunawaan ng naturang sektor ang dahilan para masiguro at maitaas ang kalidad ng trabaho, produksyon at kompetisyon ng mga middle-level workers sa pamagitan ng certification program ng ahensiya.
Bago nagtapos ang pagpupulong hinikayat din ng DTI ang mga lumahok na magtatag ng grupo na may 10 miyembro bawat trade category upang makinabang ng mababang assessment costs. (MAL/DCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851455763865/mga-ahensiya-ng-gobyerno-at-repair-shops-sa-camsur-nagkaroon-ng-pag-uusap#sthash.UpMCDkaq.dpuf

No comments:
Post a Comment