By Danilo Abad
LUNGSOD NG NAGA, Set. 20 (PIA) -- Ang Camarines Sur Employment Center ng pamahalaang lalawigan ay magsasagawa ng tatlong araw na Special Recruitment Activity (SRA) para sa mga nagnanais magkatrabaho sa loob ng bansa at overseas man.
Sa pamagitan ng White Dove Recruitment Corporation at Camarines Sur Employment Center ay umaalok ng mga bakanteng trabaho sa bansang Hapon.
Sa darating na Setyembre 27 mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon ay isasagawa ang SRA ng naturang ahensiya sa lobby ng Provincial Capitol sa bayan ng Pili..
Para sa engineering jobs ay kinakailangan may edad na 20-25 years, babae o lalaki, walang tattoo sa katawan, may taas na limang talampakan o higit pa, may kursong BS Computer Science o kaya BS Industrial Technology, Bachelor of Technology Engineering at iba pang technical courses.
Para sa industrial jobs naman ay dapat marunong sa trabahong welding, machining, painting, automotive, packaging, casting,plastic molding, electronics assembling, electrical assembling at iba pang industrial works.
May edad na 19-26 na taon, babae at lalaki, walang tattoo, kahit nakapagtapos ng high school at may taas na limang talampakan o higit pa.
Samantala, sa darating naman na Setyembre 28-29, 2016 ang First Northern International Placement Inc. ay magsasagawa din ng SRA sa kaparehong lugar.
Kailangan ng ahensiya ang mga manicurist, cleaning worker, masahista, florist, secretary, hair dresser, house service worker, receptionist, marketing in charge, civil engineer, electrical engineer, mechanical engineer, carpenter, driver , tailor, waitress at iba pang trabaho sa ibang bansa.
Ang mga interesado ay pumunta lamang sa itinakdang araw at magdala ng mga sumusunod: comprehensive resume, 2x2 photo, school credentials, certificate of employment, certificate of training mula sa TESDA, valid ID at passport.
Sa iba pang detalye ay bumisita lamang sa tanggapan ng CamSur Employment Center, 2nd flr., Capitol Main Building, Cadlan, Pili, Camarines Sur. Pwede din tumawag sa 09988868269; 09175020406 o mag email sa camsur_peso@yahoo.com. (MAL/DCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851474333960/special-recruitment-activity-para-sa-trabaho-sa-ibayong-dagat-isasagawa-sa-camarines-sur#sthash.8Qd2QItL.dpuf

No comments:
Post a Comment