Ni Danilo Abad
LUNGSOD NG NAGA, Set. 27 (PIA) -- Suportado ng mga kapulisan ng Iriga City Police Station (ICPS) ang kampanya ng Council for the Welfare of Children (CWC) na “One Million Lapis” project na bibigyan tulong ang mga underpriviledged students ng public elementary schools sa bansa.
Ayon kay ICPS chief of police PSupt. Alex S. Pederio ay naglagay sila ng drop box sa kanilang istasyon at kanyang hinimuk ang bawat mamamayan na tumulong at makilahok sa naturang proyekto.
Sinabi ni Pederio na hanggang Oktubre 31, 2016 ang kanilang pag kolekta ng lapis at ibibigay nila ito sa tanggapan ng CWC na siyang tumatanggap ng mga lapis na donasyon.
Layunin ng proyektong ito na makakolekta ng isang milyong lapis para makikinabang dito ang mahihirap na estudyante ng pampublikong elementarya na nasa 4th hanggang 6th class na munisipalidad. May mga mag-aaral kasi dahil sa kawalan ng pagkakataon na humabol ng klase at kailangan na may gamit na pansulat ay prayoridad na tutulungan ng CWC
Naglalayon din ang kampanya na makapasok sa Guinness World Record ngayon taon para sa mahabang linya ng lapis.
Noong nakaraang Abril ay inilunsad ang kampanyang ito at magiging bahagi ng pagdiriwang ng 2016 National Children’s Month sa darating na Nobyembre.
Ang mga ahensiya ng gobyerno na bahagi ng proyekto ay ang DILG, DSWD, DepEd,DOH, NEDA, PNP, National Nutrition Council at mga business establishments gaya ng SM Supermalls at National Bookstore.
Ang final counting at official declaration ng lapis ay sa Nobyembre 5, 2016 na kasabay din ng pagsimula ng mga aktibidad ng National Children’s Month Celebration sa bansa.
Samantala, ICPS ay patuloy sa kampanya kontra ilegal na droga. Bahagi ng programang Oplan Tokhang ay ginagawa ng kapuluisan ang house to house visitation at pakikipag-ugnayan sa mga konstitwentes ng barangay tungkol sa kampanya. Namimigay din ang mga tauhan ng ICPS ng flyers tungkol sa drug awareness. (DCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851474947671/iriga-city-police-station-nakiisa-sa-kampanya-para-sa-one-million-lapis-#sthash.aLThvuzM.dpuf

No comments:
Post a Comment