...

Official Publication of the Philippine Information Agency Bicol Regional Office, in cooperation with the RIAC-REDIRAS - RDC Bicol



Friday, September 23, 2016

Apat katao na sangkot sa droga, patay; iba pa nahuli sa Lungsod ng Naga

Ni Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Set. 23 (PIA) -- Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ng lungsod na ito kaugnay ng pagkapatay ng apat na drug personalities kagabi sa sityo Matiway, barangay San Felipe dito.

Ayon kay Naga City Police Office (NCPO) spokesperson SPO2 Tobias Bongon, sa kasalukuyan binubuo pa ang kompletong investigation report ng PNP ukol sa mga napatay na drug pushers/ users na nanlaban sa ginawang buy bust operation sa naturang lugar.

Ang mga suspek ay kinilala sina Gualberto Manlagñit Jr., 46 years old ng sityo Matiway; Michael Imperial y Bufete ng Las Piñas, Metro Manila; Celso Rosanes Jr., ng Doña Clara Subdivision dito at ang isa ay nakilala lamang sa pangalan na Esperida.

Nabawi sa mga suspek ang mga baril, mga plastik sachet na may laman na pinaghihinalaang ilegal na drogang shabu, buy bust money at iba pang drug paraphernalia, ayon sa NCPO.

Samantala, sa karatig na barangay nagkaroon din ng operasyon ang mga awtoridad noong Lunes Setyembre 21, 2016 bandang alas 8:40 din ng gabi sa sityo Sagrada Familia ng barangay Peñafrancia, Naga City.

Isang suspek ang nadakip na kinilalang si Jimmy Sultan y Gavino ng naturang lugar. Nabawi ang halagang P2,500 na buy bust money at 6 na pirasong plastik na pinaghihinalaang shabu.

Ang operasyon ay isinagawa ng NCPO-Police Station 3 na siyang may sakop sa lugar.

Nadakip din ang isa pang nasa Drug Watchlist na si Alfredo Valencia Jr. y Esmarin noong September 22 alas 9:30 ng gabi sa barangay Triangulo dito.

Nagkaroon ng drug operation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at NCPO-Police Station 2 sa lugar.

Ang mga Anti-Drug Operation o kaya Buy Bust Operation na isinagawa ay bahagi ng Project Double Barrel ng Philippine Nationbal Police (PNP) at Oplan Big Berta ng CIDG na kampanya Laban sa Ilegal na Droga at Drug Traffickers. (DCA-PIA5/Camarines Sur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851474600976/apat-katao-na-sangkot-sa-droga-patay-iba-pa-nahuli-sa-lungsod-ng-naga#sthash.hD1MbGsX.dpuf

No comments:

Post a Comment