BY: SALLY A. ATENTO
LUNGSOD NG LEGAZPI, Marso 1 (PIA) – Hinihimok ng Department of Labor and Employment National Reintegration Center (DOLE NRC) ang mga nagbabalik na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa rehiyon ng Bicol na gamitin ang mga tulong at serbisyo sa ilalim ng kanilang OFW Reintegration Program.
“Ang reintegration ay ang pagbabalik ng isang OFW mula sa kanyang host country papunta sa Pilipinas sa aspeto ng ekonomiya, komunidad at buhay personal. Sa ngayon ay napapanahon na sa mga nagbabalik na OFWs lalo na sa mga hindi dokumentado, ” pahayag ni NRC Bicol chief Kristina Oliveros sa Ugnayan sa Bicol, ang pangradyong programa ng Philippine Information Agency dito.
Sa larangan ng ekonomiya, ang NRC ay nagbibigay ng livelihood loans at starter kits ayon sa kakayahan at lokasyon ng OFW na mabibigyan nito. Ang grant ay ibinibigay sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang OFW agencies.
Dagdag pa ni Oliveros, ang NRC ay nakipagtulungan na sa Public Employment Services Office (PESO) sa pagbibigay ng trabaho sa mga nagbabalik na OFWs lalo na kung nais na nilang mamalagi sa bansa.
Kanya ring binigyang diin ang kahalagahan ng komunidad sa pagtulong sa mga batang anak na naiwan ng kanilang mga magulang upang magtrabaho sa ibang bansa, kung saan ayon sa mga pag-aaral ay maaaring masangkot sa paggamit ng bawal na gamot at iba pang bisyo o kaya naman ay mabuntis sa murang edad.
“Kailangan natin ang partisipasyon ng pamayanan sa pagtulong sa mga batang naiwan ng kanilang mga magulang upang magtrabaho sa ibang bansa dahil kulang sila sa pag-aalaga at paggabay ng magulang,” ani Oliveros.
Upang matugunan ito, ang NRC ay nakipag-ugnayan na sa mga pribado at pampublikong sekto lalo na sa larangan ng edukasyon sa pagbigay ng kinakailangang edukasyon at gabay hindi lamang sa mga bata kundi rin sa kanilang mga tagapag-alaga.
Nagbibigay din sila ng counselling sa mga OFWs na dumadaan sa post traumatic stress disorders lalo na kung sila ay naging biktima ng pag-aabuso at hindi magandang pagtrato ng kanilang mga amo.
“Kadalasan, ang mga undocumented OFWs ang nakararanas ng traumatic stress disorders lalo na kung sila ay nakaranas ng pag-aabuso sa kanilang mga trabaho. Dahil sa kakulangan ng kinakailangang dokumento o impormasyon kung sino o nasaan sila, mahirap sa amin ang pagsubaybay at pagbigay tugon sa kanilang mga kailangan,” kanyang pahayag.
Gayundin ang NRC ay nagsasagawa ng financial management courses para sa mga OFW at kanilang kapamilya upang matulungan silang pamahalaan ang kanilang pinaghirapang pera.
“Kailangang mabago natin ang pananaw na kapag ikaw ay OFW, marami ka nang perang maaring gamitin lalo na sa pamimili ng mga bagong gadgets at iba pang mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Dahil ditto baka mawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan sa ibang bansa kya tinuturuan din naming silang magimpok at mag-invest,”paliwanag ni Oiliveros.
Ang financial management ay bahagi rin ng Enterprise Development Training ng NRC. (MAL/SAA-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment