BULUSAN EMITS ASHES ANEW, TUESDAY
SORSOGON CITY – Bulusan volcano spewed ashes anew twice this afternoon, first at around 3:30PM, with 1-km high and at around 3:43 pm with around 800-km high moving SouthWest affecting Juban and Irosin towns.
Phivolcs regional resident volcanologist Ed Laguerta said bulky brown to dark gray clouds were noted today compared to that of the 1st and second explosions.
Reports said that some areas in Irosin have already experienced ashfalls.
However, aside from earlier report of evacuees in Casiguran town, no other evacuees reported as of press time in Juban and Irosin.
Based from the assessment given to BFP Irosin for future flushing, search and rescue operations reference, possible areas in Irosin town to be likely affected in case the situation get worse are the barangays of Cogon, Gulang-gulang, Bolos, Tinampo, Bulawan, Mombon and also Gabao.
The explosion this afternoon is the the third time since the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) raised Alert Level 1 on Saturday. Mt. Bulusan’s explosions were also recorded on Saturday, Nov. 6 at 8:11AM and on Monday, Nov. 8, 6:45AM.
Phivolcs reiterated that areas within 4 kilometers of the volcano's summit should be avoided by the residents for possible "sudden steam explosions."
Residents near valleys and streams were also warned against sediment-laden stream flows in case heavy and continuous rainfall occurs. (BARecebido, PIA Sorsogon/mal)
MT. BULUSAN UPDATES
SORSOGON PROVINCE – Labingpitong volcanic earthquakes ang naitala ng Phivolcs kaninang madaling araw. Nasa 135 tonelada naman ng sulfuric dioxide ang iniluwa nito kung kaya’t nananatili ang abiso ng Phivolcs sa publiko na mag-ingat at iwasan ang paglapit sa itinalagang 4-km Permanent Danger Zone kahit pa nasa alert level 1 pa lamang ang estado ng bulkan.
Nagsagawa naman ng aerial survey ang Phivolcs bandang nueve kaninang umaga upang malaman ang kondisyon ng Mt. Bulusan at matiyak din ang dami ng abo na ibinuga nito.
Dumating din ngayon dito sa Sorsogon si Phivolcs Director Renato Solidum upang makipagpulong sa Regional at Provincial Disaster Risk Reduction Management Council kaugnay ng mga paghahanda at aksyong ginagawa nito kaugnay ng aktibidad ng Mt. Bulusan.
Sa ulat na ibinigay ni Dir. Bernardo Alejandro IV, Chairman ng Regional DRRMC kay Dir. Solidum, sinabi nito ang kasalukuyang kalagayan ng mga apektadong lugar sa palibot ng bulkan.
Sinabi din niyang inaaksyunan na ng RDRRMC ang mga nawawalang kagamitan ng Phivolcs. Inatasan na rin nila ang Department of Tourism na maglabas ng advisory na suspended muna ang tourism activity sa mga apektadong lugar at inaaksyunan na rin nila ang posibilidad ng mga maapektuhang sakahan at kabuhayan ng mga residente.
Ayon naman kay PDRRMC head Jose Lopez, wala namang suspension of classes na ipinatupad sa mga apektadong lugar sapagkat manageable padiumano ang sitwasyon sa mga paaralan at agad namang nalilinis ang mga abong pumapasok sa mga silid-aralan.
Inilahad naman ni Dir. Solidum ang kasalukuyang kalagayan ng bulkang Bulusan. Aniya, base sa isinagawang aerial survey kanina, nasa mababang lebel pa lamang ang aktibidad ng bulkan ngayon subalit dapat na mayroon nang contingency plan sa lahat ng concerned level upang mapaghandaan ang malalaking aktibidad nito sa mga darating na araw.
Mahalaga din aniya ang community participation lalo na pagdating sa paglilikas at pagdala sa kanila sa ligtas na lugar.
Aniya, ang kaganapan ngayon ay naganap na rin noong 2006 at 2007.
Nagbigay din siya ng mga mahahalagang tips na dapat gawin sakaling nagkakaroon ng aktibidad ang Mt. Bulusan.
Samantala, kahapon ay nagsagawa naman ng road flushing ang Irosin Bureau of Fire Protection sa Brgy. Cogon at Mombon sa Irosin partikular sa Maharlika Hi-way dahil sa makapal na abo sa kalsada at patuloy pa ring nakaantabay ito sakaling muling magkaroon ng panibagong aktibidad ang bulkan.
Sa panig naman ng Department of Environment and Natural Resources, kasama si LGU-PENR Officer Maribeth Fruto ay nagsagawa kahapon ang Environment and Management Bureau ng air samplings sa Brgy. Gulang-gulang sa Irosin at Brgy. Añog at Inlagadian sa bayan ng Juban at inaasahang bukas ay ilalabas ang resulta nito.
Inihayag naman ni Casiguran Mayor Hamor na kailangan nila ng nebulizer, dust masks at mga food stuff para sa mga apektadong residente doon.
Sa ngayon ay mayroon pa ring mga evacuees sa mga itinalagang evacuation centers sa Casiguran subalit nananatiling sa gabi lamang ito naroroon at umuuwi din sa araw.
(BARecebido, PIA Sorsogon/mal)
No comments:
Post a Comment