Tagalog News
COMELEC, DAPAT NA MAGPALIWANAG SA POSTPONEMENT NG ELEKSYON SA ILANG BAHAGI NG BANSA – AKB PARTYLIST
LEGAZPI CITY - Nanawagan ngayon ang AKB Partylist sa Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag kaugnay ng pagkakaantala ng SK at Barangay elections sa ilang bahagi ng bansa kabilang na ang Bicol region.
Inihayag ni AKB Partylist Rep. Atty. Rodel Batocabe na dahil sa nangyari ay labis na naapektuhan ang ekonomiya sa mga lugar na hindi natuloy ang halalan.
Liban dito ay labis rin umanong nagastusan ang mga kandidato ngayong eleksyon.
Aniya, dapat lamang na ayusin ng Comelec ang kahandaan tuwing nagkakaroon ng halalan sa bansa upang ‘di na maulit pa ang ganitong pangyayari dahil pangunahing naapektuhan umano dito ay ang simpleng mamamayan. (AKB/PIA/mal)
TAGALOG VERSION
‘COMELEC, DAPAT BAYARAN ANG ORAS NG MGA BEIS’ – AKB PARTYLIST
LEGAZPI CITY - DahilAN sa pumalpak na SK at Barangay elections sa ilang bahagi ng bansa kabilang na ang Bicol, nanawagan ngayon ang AKB Partylist sa Commission on Elections (Comelec) na bayaran ang oras ng mga Board of Election Inspectors (BEIs).
Ito’y dahil maging ang mga guro na nagsilbi ay apektado rin ng pumalyang proseso ng halalan pambarangay.
Ayon kay AKB Partylist Rep. Atty. Rodel Batocabe, ‘di aniya sapat na magpaliwanag lang ang Comelec sa nangyari, kundi higit pa dun ang nararapat gawin ng komisyon.
Labis aniyang nakakadismaya ang nangyari dahil una ng tiniyak ng Comelec na handa na ang lahat at wala ng magiging problema pa sa oras ng halalan, subalit hindi ito natupad. (AKB/PIA/mal)
No comments:
Post a Comment