8 BAYAN SA CAMARINES SUR, TULOY ANG ELEKSYON NGAYONG ARAW
CMARINES SUR Province -- Matapos na hindi matuloy ang eleksyon kahapon sa ilang munisipyo ditto sa camarines sur dahil sa pagkaka abala ng pagdating ng mga election paraphernalia ay inaasahan na tuloy na tuloy na ang botohan ngayong araw.
Kabilang sa mga bayang ito ang Calabanga, Buhi, Minalabac, Pasacao, Tinambac, Caramoan, Garchitorena at Lagonoy. Sa kalahatan ay dalawang daan at walumput apat na mga barangays pa ang nakatakdang magkaroon ng special elections ngayong araw..
Maliban sa mga bayang nabanggit ay may mangilan ngilan ding mga barangay sa ilang bayan na hindi nagawang magpa boto kahapon. Sa bayan ng Sipocot , Camarines Sur sa total na 46 barangays ay dalawampu sa mga ito ang hindi nagkaroon ng eleksyon kahapon. Sa Iriga City, out of 36 barangays, ay may anim na barangay na ngayong araw pa lamang itutuloy ang election, kasali rito ang mga barangay ng San Nicolas, San Vicente, Santa Cruz Sur, Sta. Elena, Sta. Teresita, at santo Domingo.
Sa bayan naman ng San Jose , ay ang barangay Adiangao na lamang ang magkakaroon ng special elections dahil tapos na ang beinte nwebe pang mga barangay ng San Jose kahapon.
Sa lunsod ng Naga ay nagging tahimik naman ang pagdaraos ng election kahapon kahit na nga gaya ng ilang bayan ay na abala din ang pag sisimula ng botohan.
Halos syento porsyento na ring tapos ang bilangaan bago sumapit ang alas dose kagabi.
Hinihintay na lamang ang opisyal na anunsyo ng comelec upang pormal ng matawag na mga bagong elected officials ang mga nanalo. (LSMacatangay, PIA CamSur/mal)
No comments:
Post a Comment