...

Official Publication of the Philippine Information Agency Bicol Regional Office, in cooperation with the RIAC-REDIRAS - RDC Bicol



Monday, May 10, 2010

ILANG BOTANTE, NAG-ALBUROTO DAHIL SA MABAGAL NA BOTOHAN
Posted 5/10/2010 5:05:55 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Masbate
Source: pia bicol - marlon
MASBATE CITY—Kasabay ng mas lalong tumaas na temperatura ngayong tanghaling tapat ay ang pag-init ng ulo ng ilang botante sa Ibingay Elementary School at Nursery Elementary School dito na tinuligsa ang board of election inspectors.
Inirereklamo ng mga botante ang mahabang pila at mabagal na botohan. Ayon sa mga nagrereklamo, mahigit dalawang oras na silang nakapila at sa bagal ng pagusad ng pila at botohan tinatantiyang tatlong oras pa bago sila makaboto.
Ilan sa mga nagrereklamo ang umalis na sa pila at nagdesisyong di na lang sila boboto.
Sa mga desididong bomoto, good news naman daw sa kanila ang pag-urong ng voting hours sa 7PM.

VOTE BUYING NG MGA LOKAL NA POLITIKO, RAMPANT AYON SA MGA BOTANTE
Posted 5/10/2010 5:02:13 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Masbate
Source: pia bicol - marlon
MASBATE CITY—Wala kahit isang namimili ng boto ang naaresto na pero kung paniniwalaan ang kwento ng mga botante, hanggang P2,000 ang natanggap ng bawat isa para iboto ang partikular na kandidato o lineup.
Ayon sa mga botanteng umaming nakatanggap ng pera sa mga political leaders, mga kandidatong magkaribal sa lokal na posisyon lamang ang namili ng kanilang boto.
Sa ilang lugar naman, may mga nakausap tayong mga botanteng naka stand-by malapit sa mga polling places na nagrereklamo. Naghihimutok sila dahil walang lumalapit sa kanila upang bilhin ang kanilang boto sa kabila ng mga balita na umabot na sa P3,000 ang bilihan ng bawat boto. (EADelgado)

3RD DISTRICT NG MASBATE TENSYONADO DAHIL SA BROWNOUT
Posted 5/10/2010 4:59:26 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Masbate
Source: pia bicol - marlon
PLACER, Masbate—Nagdulot ng pangamba sa mga botante sa third district ng lalawigang ito ang brownout na nagsimula kaninang alas 3 ng hapon.
Mahaba pa rin ang pila ng mga botante sa polling places hanggang sa oras na ito at lalo pang pinababagal ng maraming illiterate voters ang pag usad ng pila kaya nangangamba ang mga botanteng sumapit na ang dilim ay hindi pa matatapos ang botohan.
Pag brownout at madilim, pinangangambahang may milagro o himala na mangyayari sa mga PCOS machines.
Walang ibinigay na katiyakan ang mga opisyal ng power generation at distribution firms kung kalian maibabalik ang kuryente sa 3rd district.
Naiulat din na low battery na ang ilang PCOS machines sa 3rd district. (EADelgado)

Bicol Updates on HNB 2010: Masbate... BOARDS OF CANVASSERS SA MASBATE ACTIVATED NA
Posted 5/10/2010 4:46:18 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Masbate
Source: pia bicol - marlon
MASBATE CITY—Pagsapit ng 12 noon, convened at naghihintay na ng elections returns ang Masbate Provincial Board of Canvassers.
Kumpleto at ready na rin ang counterparts ng provincial board of canvassers sa Masbate City at 20 bayan.
Dahil sa inuurong ng Comelec ang voting hours sa 7PM, tantiya ng mga municipal board of canvassers, 4 a.m na sila makakaproklama ng mga nanalong kandidato. (EADelgado)

PAG member harasses voting precinct in Masbate
Posted 5/10/2010 4:40:59 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
A voting precinct in Placer town in Masbate was marred by an indiscriminate firing today of a gunman believed to be a member of a political armed group, a Philippine National Police report said.
The reports said one Bobit Dubongco armed with a .357 handgun in said fired several rounds into the air sending people at the voting center scampering for safety.
Police investigators said the incident took place at around 9:00 a.m. Monday at an public elementary school in barangay Santa Cruz, Placer, Masbate.
Special Task Force Masbate (TFM) operatives are hunting down the suspect who hurriedly fled leaving the behind his handgun.
STFM operatives said the suspect is believed to be a member of a political armed group who wanted to harass and disrupt the election proceedings there. (PIA Albay)

PCOS nagkaaberya sa Tabaco City, ALbay
Posted 5/10/2010 4:32:47 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
LEGAZPI CITY - Hindi lang sa bayan ng Daraga at lungsod ng Legazpi, nagkaroon ng aberya angmga PCOS machine kundi pati na rin sa Tabaco City.
Sa unang distrito ng lalawigan ng Albay, nasira ang dalawa makina na ginagamit ng polling precincts sa Tabaco habang nasa kalagitnaan ng pagboto and mga botante.
Nagkaaberya ang mga makina sa Barangay Marirok at Cabangan, Tabaco City.
Ginagawa naman lahat ng mgatechnicians ng Smartmatic ang nasabing mga pulayang makina para muling magamit ng mga nakapila pang mga botante. (PIA Albay)

Bicol Updates on HNB 2010: Sorsogon
Posted 5/10/2010 4:23:35 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Sorsogon
Source: pia bicol - marlon
SORSOGON CITY - As of press time, not even one of more than 500 voters in three polling precincts in Brgy. Dao, Pilar, Sorsogon has voted yet.
It can be noted that the election paraphernalia for one polling precinct in Brgy Dao was accidentally swapped with the election paraphernalia intended for one polling precinct in Bulan town. As of the moment, the problem has not yet been resolved.
Voters, though impatient, keep waiting for whatever development the Comelec will advise them.
Comelec meanwhile, is still in the process of resolving the problem. Said three polling precincts has some 500 voters.
[4:07:15 PM] PIA Sorsogon: Meanwhile, majorityof polling precincts in Pilar has already recorded a 50% voting turn-out.

Bicol Updates on HNB 2010: Sorsogon
Posted 5/10/2010 4:21:38 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Sorsogon
Source: pia bicol - marlon
SORSOGON CITY - The Comelec here through City Election Supervisor Atty. Ryan Filgueras announced that they are ready to extend the voting time until 7:00pm or beyond just to accomodate all the voters as per the Comelec national Office directives.
However, he also made it clear that only voters who are within the prescribed perimeter will be allowed to vote during the given extension time. This is in response to fear that voters may not be accomodated within the ten-hour voting schedule from 7am-6pm due to slow-paced voting procedure.
As observed, the long queue of voters remains as is since that of 6:00 this morning.
Meanwhile, Filgueras said that this year's positive turn-out of voter's is an indication of full and active participation of the people. (PIA Sorsogon )

Bicol Updates on HNB 2010: Camarines Sur
Posted 5/10/2010 3:57:24 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
CAMARINES SUR - SAMANTALA, BANDANG ALAS DOS AY NAKATAPOS NA RING BOMOTO SA POTOT ELEMENTARY SCHOOL ANG PRESIDENTIAL SON NA SI DATO ARROYO KASAMA ANG KANYANG ASAWANG SI CACAI.
SI DATO AY RE ELECTIONIST PARA SA KARGONG KONGRESISTA SA BAGONG IKALAWANG DISTRITO NG CAMARINES SUR.
ANG LIBMANAN AY ANG ITINUTURING NA PINAKA MALAKING BAYAN SA CAMARINES SUR KUNG SAAN MERON ITONG 75 NA BARANGAYS.
MERON ITONG 88 CLUSTERED PRECINCTS AT BINUBUO NG 47,409 NA BOTANTE…

Bicol Updates on HNB 2010: Camarines Sur
Posted 5/10/2010 3:57:24 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
CAMARINES SUR - SAMANTALA, BANDANG ALAS DOS AY NAKATAPOS NA RING BOMOTO SA POTOT ELEMENTARY SCHOOL ANG PRESIDENTIAL SON NA SI DATO ARROYO KASAMA ANG KANYANG ASAWANG SI CACAI.
SI DATO AY RE ELECTIONIST PARA SA KARGONG KONGRESISTA SA BAGONG IKALAWANG DISTRITO NG CAMARINES SUR.
ANG LIBMANAN AY ANG ITINUTURING NA PINAKA MALAKING BAYAN SA CAMARINES SUR KUNG SAAN MERON ITONG 75 NA BARANGAYS.
MERON ITONG 88 CLUSTERED PRECINCTS AT BINUBUO NG 47,409 NA BOTANTE…

Bicol Updates on HNB 2010: Camarines Sur
Posted 5/10/2010 1:52:11 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Camarines Sur
Source: pia bicol - marlon
NAGA CITY -- NAGPAABOT NG SUMBONG ANG ISA SA MAYORALTY CANDIDATE NG LUNSOD NG NAGA NA SI ATTY. ADAN BOTOR DAHIL SA DIUMANOY PAGBABALE WALA NG COMELEC SA HAYAG HAYAGANG PAGLILIBOT AT PAKIKIPAG KAMAY NI MAYOR JESSE M ROBREDO SA MGA BOTANTE SA ILANG POLLING PRECINT DITO SA LUNSOD.
AYON KAY ADAN, ISA ANYA ITONG MALINAW NA PAGLABAG SA KAUTUSAN NG COMELEC NA NAGBABAWAL NA PAGKAMPANYA GAYONG TAPOS NA ANG CAMPAIGN PERIOD.
NAKITA RIN ANYA NIYA ANG MADAMING BILANG NG LIBERAL PARTY POLL WATCHERS SAMANTALANG ISA LAMANG ANG OTORISADO NG COMELEC BAWAT PRESINTO.
BUNSOD NITO AY NANAWAGAN ANG HULI SA COMELEC NA MAGPADALA NG PULIS O DEPUTIZED AGENTS UPANG MAITABOY ANG SINO MANG ANIMOY NANGANGAMPANYA PA RIN SA MGA POLLING CENTERS.
SAMANTALA, SA KASALUKUYAN AY TAHIMIK NAMAN ANG NANGYAYARING BOTOHAN SA LUNSOD, MALIBAN NA LAMANG SA PAGKAWALA NG ILANG PANGALAN SA COMPUTERIZEDVOTER’S LIST AT PAGKA ABALA NG PAGBOTO DAHIL NA RIN SA IBANG MALFUNCTIONING NA PCOS MACHINE…

Bicol Updates on HNB 2010: Albay
Posted 5/10/2010 12:45:50 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
LEGAZPI CITY -- Voters in the province of Albay are one in welcoming announcement of the Commission on Elections (COMELEC) today extendeding the automated voting process in all precincts nationwide until 7 p.m. to accommodate more registered voters.
Observers noted that this will somehow cope up with the lost time in view of some glitches or malfunctions of a few PCOS machines as observed in some areas.
Authorities, meanwhile, has assured the public that lighting facilities and other needs are in placed as the casting of votes ends at night time. (PIA Albay)

Bicol Updates on HNB 2010: Catanduanes
Posted 5/10/2010 12:27:33 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Catanduanes
Source: pia bicol - marlon
PIA Catanduanes Situationer:
Virac, Catanduanes- Patuloy ang pagdagsa ng mga botante sa mga polling centers. Ayon kay Atty. Maria Aurea C. Bo-Bona—provincial election supervisor, mula sa 343 kabuuang bilang ng PCOS machines ay isa ang nagkaroon ng aberya kung saan ay hindi gumana ang PCOS Compact flash card na naitala mula sa Villa Aurora, Viga, Catanduanes.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang proseso ng pagboboto habang hinihintay na mapalitan ang nasabing flash card.

Bicol Updates on HNB 2010: Catanduanes
Posted 5/10/2010 12:26:28 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Catanduanes
Source: pia bicol - marlon
PIA Catanduanes Situationer:
Virac, Catanduanes- Iniulat ni PNP Director Rodegelio Gerero na maayos at mapayapa pa rin ang eleksyon sa lalawigan at nananatiling alerto ang buong kapulisan sa tulong ng AFP sa pagtugon sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng halalan.

Bicol Updates on HNB 2010: Catanduanes
Posted 5/10/2010 12:25:33 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Catanduanes
Source: pia bicol - marlon
PIA Catanduanes Situationer:
Virac, Catanduanes- Malawakang “vote buying” ang naganap sa lalawigan mula kahapon hanggang medaling araw. Pangkalahatan, naging maayos ang pagbubukas ng 343 voting precincts sa buong lalawigan.
Iniulat ng Smartmatic dito na walang problema at maayos na naikabit ang mga PCOS machines at may nakahanda umanong mga reserbang PCOS machines sa oras na magkaroon ng aberya.

PRIVATE ARMIES TAHIMIK SA MASBATE
Posted 5/10/2010 12:19:54 PM by pia-bicol
Region: R05
Province: Masbate
Source: pia bicol - marlon
MASBATE CITY—Hanggang sa oras na ito, nanatiling tahimik ang mga private armies ng mga pulitiko habang nagkalat ang mga sundalo at pulis sa lalawigan ng Masbate.
Ang peacekeeping forces sa hot spot na lalawigan ng Masbate ay binubuo ng 9th Infantry Battalion at 85th Infantry Battalion at daan-daang pulis na kinabibilangan ng mga commandoes.
Dalawang helicopters ang dinala ditto ng Armed Forces of the Philippines at ginagamit ng Joint Special Task Force Masbate sa pagdedeploy ng personnel sa mga liblib at kritikal na pook ng lalawigan. In addition, may limang (5) armored trucks ang dinala ditto ng Philippine Army.
Sa harap ng firepower na ito ng pamahalaan, kapuna-punang naging tahimik ang mga private armies na naghasik ng karahasan nang Election Day noong 2007.
Ayon naman sa Joint Special Task Force Masbate commander na si Senior Supt. Victor Deona, mananatiling nasa pinakamataas na level ng red alert ang state forces sa Masbate upang ang botohan at bilangan ng boto ay maisagawa ng mapayapa. (EADelgado, PIA Masbate)

1 kasapi ng rebelde sa sagupaan ng Militar at NPA sa Albay
Posted 5/10/2010 11:51:20 AM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
LEGAZPI CITY - Arestado ang isang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) makaraan ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at mga bandido sa kasagsagan ng halalan ngayong araw sa bayan ng Oas, Albay.
Ayon kay Maj. Harold Cabunoc, tagapagsalita ng 9th ID ng Army, nangyari ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army, sa pamumuno ni Lt. Col. Leoncio Cirunay at abutin sa limang kasapi ng NPA, habang nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo laban sa mga vote buyers.
Kinilala ang naarestong bandido na si Reynante Mortel, 40- anyos, residente ng Balete, Guinobatan, Albay.
Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 armalite rifle, hand grenade, permit to campaign cards at iba pang subersibong dokumento.
Nasa kustodiya ngayon ng 2nd Infantry Batallion ang naturang bandido at nakatakdang i-turnover sa Oas PNP ngayong araw.

NPA Rebels Continue Campaigning for Their Political Bets in Albay
Posted 5/10/2010 11:21:31 AM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
CAMP OLA, Legaspi City- The local terrorist group of the CPP-NPA-NDF were caught by security forces while campaigning for their political bets in the hinterlands of Albay, a military official said.
Major Harold M Cabunoc, 9th Infantry Division Spokesman said that a 9-man squad of soldiers who were sent on a security patrol in a remote village of Oas, Albay clashed with more or less 10 communist terrorists in Bgy Rosario of the said municipality at around 4:30am today.
Firefight lasted for about five minutes after which the terrorist rebels escaped towards the forested area of the said barangay, leaving behind one of their comrade who surrendered with his firearm.
LtCol John Oberio, Commander of the 2nd Infantry Battalion said that the said encounter resulted to the capture of one of the rebels identified as a certain Renante Mortel and the recovery of a Cal 5.56mm M16A1 Rifle and an MK2 hand grenade.
LtCol John Oberio, Commander of the 2nd Infantry Battalion said the soldiers confiscated 50 pcs of PTC cards and hundreds of sample ballots containing the names of Satur Ocampo and Liza Masa as well as their supported party list BAYAN MUNA were recovered during the said encounter.
“We received a ‘hot info’ from a barangay official that some heavily-armed rebels were campaigning in his village. I immediately sent my soldiers to check the enemy presence,” said Oberio.
“My soldiers confiscated sample ballots containing the names of senatorial candidates Ocampo and Masa and their party list group Bayan Muna. They are really aggressively supporting the candidacy of their own bets,” added Oberio.
The terrorist rebels are actively campaigning for their political bets in remote areas of the baranggay. The field units of the 9th ID are consistently receiving reports about armed rebels who are campaigning for their own local and national bets.
Mortel is now brought to the 2nd IB camp for tactical interrogation. Oberio said that he will turn-over the captured bandit to the Oas Municipal Police Station for filing of criminal cases.
The CPP-NPA-NDF has admitted to the PTC/PTW collection of their members in the Bicol Region. Their admission came after the discovery of over six hundred PTC cards during an encounter with NPA extortionists in Caramoran, Catanduanes on February 19, 2010.
Major General Ruperto Pabustan, Commander of the 9th Infantry Division has directed all Army forces in the Bicol Region to intensify their security patrols to ensure the conduct of honest and peaceful elections. (PIA Albay)


MASBATE NANATILING MAPAYAPA, BOTOHAN NAGMISTULANG FIESTA
Posted 5/10/2010 11:16:40 AM by pia-bicol
Region: R05
Province: Albay
Source: pia bicol - marlon
MASBATE CITY —Sa oras na ito, tatlong oras ang nakalipas matapos magbukas ang mga presinto, lalong dumagsa na ang mga botante sa mga polling precincts sa Syudad ng Masbate at nagmistulang fiesta na ang atmosphere dito.
Sa pagtaya ng opisina dito ng Commission on Elections, aabot sa 80 porsyento ng total na bilang ng botante sa lalawigan ng Masbate ang lalabas ng kanilang bahay upang bomoto sa kaunaunahang automated elections sa bansa.
440,959 ang kabuuang bilang ng mga botante sa Masbate, at 41,795 nito ay nasa Masbate City.
Samantala, isang Precinct Count Optical Scanner o PCOS machine sa Barangay Lubigan, bayan ng Pio V. Corpus ang naiulat na hindi gumana.
Solusyon dito ay palitan PCOS subalit hanggang sa mga oras na ito ay patuloy na naghihintay sa pagdating ng bagong PCOS machine.
Kabaliktaran naman sa mga nagdaang araw na may mga insidente ng pamamaril na isinisisi sa mga private armies ng mga pulitiko, walang naiulat na ontoward incidents magmula ng magbukas ang mga polling precincts kanina.

Bicol Updates on HNB 2010: Sorsogon
Posted 5/10/2010 11:14:35 AM by pia-bicol
Region: R05
Province: Sorsogon
Source: pia bicol - marlon
Sorsogon Situationer:
Inabot lamang ng tatlong minuto at patuloy namang gumana ang PICOS machine ng Comelec kung saan ito rin ang kanina lamang ay pumalya sa nasabing Barangay bibincahan Sorsogon presinto numero 13.
Ayon sa pahayag ng Comelec personnel hinggil sa naging dahilan kung bakit nag malfunction ang nasabing makina. Mali diumano ang ginawa ng isang botante dahilan sa hindi muna nito hinintay na mag-confirm ang makina bago isalang ang panibagong balota. Na nagsasabing confirmation sa kaniyang napiling mga kandidato kung kayat ganun ang naging reaksyon ng picos machine.

Bicol Updates on HNB 2010: Sorsogon
Posted 5/10/2010 11:08:02 AM by pia-bicol
Region: R05
Province: Sorsogon
Source: pia bicol - marlon
Sorsogon Situationer:
Nagkaroon sa kasalukuyan ng pagpalya ng makina ng PICOS machine sa isang presinto ditto sa bibincahan Sorsogon. Presinto 13, ayaw tanggapin ng PICOS machine ang balota at ang lumalabas sa screen nito ay paper jam at rejected. Agad namang inasistihan ito ng Comelec personnel upang maayos agad ito.
Kung kayat nagkakaroon ng kunting kaguluhan dahilan sa marami pa ang nakapilang botante at patuloy silang natatagalan dito sa pag-aantay.

No comments:

Post a Comment